Bonus

February 25th, 2009

It’s been three hundred billion years since my last post (OA) hehe,  million nga diko kayang bilangin billion pa kaya? pero kung pera yan na ipagkakaloob sa akin, kakayanin kong bilangin. Nagaadik-adik na  naman ako. Sensya.

Pero inggitera kayo ke PGMA, narecieve na nila ung Stimulus check galing sa US para sa mga veterans filipino people na lumaban nung gyera sa US. With matching picture taking kamo.

Tingin nyo makakarating ng buo un sa mga tao? Ilang wallet, bulsa, bangko at pabalato muna kaya ang daraanan nyan bago mapunta sa pamilya nila?
Infairview to the highness dollars un, Pwede kayang ipapalit nila pag time na mataas ang value ng dollars? bwahahha… pwede.

It would be great and people will truly appreciate kung maibigay ng maaga at buong-buo ang pera ng mga tao. Buhay nila ang sinanla nila kaya nararapat lamang na mapunta sa tamang kamay. Malaking tulong ito para sa kanilang pamilya at kabuhayan hindi ba?

Sana nman wag nang magpayaman ung mayaman na diba?

I want to thank my President Obama (at inangkin ko ng akin na akin ang presidente oh? haha, presidente ko nman tlga sya, eh sa US Citizen ako nuba.) Dahil alam kong me paparating narin akong stimulus check hihihi (uy se-save ko un para sa bertdey ng darling Carl ko….)

A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

February 10th, 2009


As I write down this entry, I do not have internet connection. So I thought this is the best time to update my blog because no other things will bother me. Ewan ko nalang kung kelan sya ma publish. Hehe. Alam ko nag-evaporate na naman ang ganda ko ng ilang days, it’s just that I’m so tamad. Dami akong gustong i-share. Yung mga milestone ni Baby Carl. How cute he is, now he has 2 front teeth. How more cute he is, now he got his first haircut. How he giggles and sings when he hears the soundtrack of gagambino. Basta maraming, marami pa.

Enough of the intro. Paalala. Dahil sa tagal kong nawala mahaba ang entry na ito. Bahala na kayo kung babasahin nyo basta ang importante e mag comment kayo. Heheh!

Binalikan ko ang aking lumang entry noong April 20, 2006.

Have u Been Blogsterized today?!!

Ikaw ba ay kaisa nasa milyong-milyong blog addict? Ung tipo na kulang ang maghapon mo kapag hindi mo nabasa ang mga kabulastugan at kakikayan ng mga Idol mong blagista. Tapos Inis na inis ka kc kulang ang time mo para mkapag comment sa mga nakakatanggal pagod na entry ni Ms. Ella, kaya sa shout out box knalang nakapag-tag ng message. At kaisa ka sa sumusubaybay sa mga kwentong tambay ni Mr. BatJay at sabik na sabik kang magbigay ng komento sa Kuro kuro ni Ka Uro. Napapabungisngis karin ba sa mala French Lesson Ni Big Daddy, kaya minsan hinuhulaan mo nlang kung ano ang mga pinagasasabi nya sa Comment ke Ms. Ella?! At nakikibaka karin ba sa mga pagbisita ni Royce sa inyong mga bahay na lubhang napaka humble at nilulunok nlang daw ang kanyang pride (chicken bayan?!). Nanjaan din ang napakagaling mangharana na si mang KaDyo na tlagang feeling inlove sa kanyang Wish-heart. Present din of cors sa pakikipag tagisan ng kanyang Gandang lalaki sa mga Thai ang ating Mr. JLO-is. At naging feeling Dhianne or Anne kanarin ba sa Romance novel sa Kenjie’s Journey?! Kaisa ka narin ba sa mga gustong ipapublish ang blog ni Miko Dela Cruz?! (i didn’t change the link because i only copy and paste)

 

So How did I start blogging?  —- dito palang tlga ang simula ng entry ko…

Sa simula lurker at simpleng reader lang ako. I never bother to make a comment or introduce myself. Hanggang sa mawili na ako at inaraw-araw kona ang pagbabasa ng mga blog ng me blog. Until one day, I decided to open a blog that is visible to the public. Pero mahabang proseso un. Natatakot kasi ako. What if walang magbasa, nakakahiya. Dada ka ng dada dun tapos ni isang tao walang nag-abalang magbasa. Pero nilakasan ko narin ang loob ko.

At salamat ke gandang Ella, dahil sa angking nyang kagandahan at kasikatan nadamay ako. Napadpad ang mga tagahanga nya sa aking mumunting haybol. Naging inspirasyon ko si Ella sa pagba-blog. Naiinspired kasi ako kung pano sa mag deliver ng kwento. Nakakapanabik. Kung baga sa gaya kong chismosa e nakakakilig.

Dun ko nakilala ang nga natatangi kong kaibigan na kelanman ay hindi na mabubura sa libro ng aking buhay.

Salamat ke Mommy Ann, MommyLei at Kuya Royce binigyan nila ng buhay ang aking blog. Salamat sa koment nila at nabigyan ng color red at yellow ang aking kulay gray na rainbow. Hihihi. Hanggang sa isang araw, dalwang araw, araw-araw na ang aking entry. Aba-aba natatambakan ako ng labada dahil maghapon akong nakikichika sa mga blog ng me blog. Dami akong natututuhan sa bawat entry ni Ka uro. Promise.

Naalala nyoba ung kwento ni Mam Rems tungkol dun sa nagdaang mga lalaki sa kanyang buhay. Hihi sinubaybayan ko kaya yun…ooopppps isa pa pala syang clown nun… Si Mam Greys naalala ko naman e kinasal nila ke Masterbetong online. (hihi kilig kaya ako nun) Kasalanan ata un ni Mang Kadyo e! Hahah! Merong pang mga drawing-drawing na mga itlog, remember nyo pa?! maraming salamat tlga mam greys dun sa mga panucha na pinadala mo nung nasa cebu pa ako. Hanggang ngaun andito pa sila diko sila kinain para me remembrance ako sa inyo.. haha joke!

Tapos nun nawili ako dun ke Ate Ghee, nung kinukwento nya ung foreigner na wafung lalaki. Basta neremember kolang na nakakakilig sya at binitin pa ang kwento. Tagal kong hinintay ang part two nun. Wag nyokong husgaan kung mali-mali na ang kwento ko. Hello 2006 pa yun. Its been 3 years. Heheh. Oo nga pala advance happy birthday sayu. Diman ako makasali sa contest mo, Masaya ako para sa mananalo. Dyahe nman kung ako ulit ang manalo mabubuking na love na love mo ako.. hayhayhay…

Masaya kong nakasalamuha si Gerrycho, Razz at Sasha. At that year ko narin nakilala ang nakasama ko sa ward 6 sa Mandaluyong na si Rhoanne. Akalain mo nasa mental nanga kami nag ba-blog pa kami. Using wi-fi. Hahah! Halos dina kami makatulog nun, sa pag-uunahan kung sino ang unang makacoment sa mga entry. Parang me isang baol nakayamanan kaming makukuha everytime na makauna kami sa pag comment. Masaya lang sguro sa pakiramdam. Hindi ko alam pero naglaho si MistyJoy, kaya miss na miss ko tlga sya e. Super miss na miss korin si BigDaddy. Ung kanyang mga pahapyaw na French. Hmmm… buti nalang nasisilip kopa sya paunti unti sa multiply. Hihihi

Naalala ko nung nagpatanggal ako ng wisdom tooth ko, khit anong pain at maga ng mukha ko tuloy parin sa blogging. Hahaha! Doon korin nadiscover si Kuya Kukote. Sabi nya sa sobrang ganda kodaw bagay ako sa mansion. Pina board and lodging nila ako ng libre kasama ng mga magagandang chika-babes. Maraming nakakaaliw na nangyari dun. Me mga nakilala akong mga beauty queens at mga professional peeps. Doon din ako nagsimulang mangarap na magkaroon ng wordpress account at tinugon ng fairy god lady na si Naomi. Marami akong natutunan sa bawat experience ng mga beauties dun. Andun ko na meet sina Jaime, Thinz, Mei, Erlyn hmm sino paba… ay oo nga pala si Ate Rose

Tuloy-tuloy ang paglaki ng community sa blogging. Dun ko nakilala sina Kuya Penoi, Qroonix at Ate Joy . Sinong makakalimot sa dalwang mag bestfren na si Fibi at Ruthan. Sila ang tagabantay ko ng blog pag-nag o-OT ako sa work. Sila taga entertain ko ng bisita pag ako e naghihilik. Sila taga timpla ko ng kape at taga bili ng pandesal. Uy miss kona kayo promise. Dun korin nakilala ang nag-iisang sirena sa balat ng karagatan na ni Racky aka Neneng.

Kapag medyo inspirational nman ang gusto mong mabasa at hindi puro chismis, hagilapin mo ang blog ni Ev o kaya ni Bro Vince. Magliliwanag ang mundo mo at kakanta ng tweet-tweet ang mga maya. Pag gusto mo nman ng medyo comedy na serious si Mang kulas at Ate Melai ang katapat jan. Naremember kopa na kukutusan daw ni Ate Melai pag me nagsabing non-sense ang mga entry ko. Hahha. Parang nagliliwanag ang mundo ko pag natukso ko na silang dalwa. Hihih… Tapos nag second the motion si Jlois na bobonyatan namn ang dialogue niya hahha. Hoy kakamiss kayo… asan na kayo???? Kamusta narin kaya si Ate Pipay? At ang makulit na si Kipay?

Sa larangan ng pagbubutingting ng blog idol ko si Ate Rose. Kaya laging nangangati mga kamay ko at araw araw iba iba ang template  ng blog ko e dahil sa kanya. Heheh! How would I forget the ever beautiful Yorokobee, aba isang taon na ang hiatus mo ah. Basta salamat dun sa mala sauna bath na bath soap na bigay mo. Pumuti ang skin ko. Hehe.  

Madami pa akong nakilala dito sa mundo ng blogging. Maraming beses kong binalak iwanan ang mundong ito pero pabalik balik parin nman ako. Sa susunod na ulit ang to be continue.. haba nato.. lam ko di nyo nman binasa.

This entry is a tribute A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

I Really miss those times na para tayong mga bata na nagbabatuhan at nagsasagutan sa koment. Haha.. This is my favorite entry on my old blog. Reminiscing mode…

Mga Bida sa Buhay ni TUtubing KArayom

 


welcome back to me

January 27th, 2009


Huh! It’s been a month of hiatus. Hirap pala pag-sobrang busy ka nawawala nalang bigla sa sistema mo ung mga nakaugalian mo dati. Gaya netong pagba-blog, dati mabaliw-baliw ako pag walang akong internet sa loob ng dalwang oras dahil diko nasisilip blog ko. O tamo ngaun, halos isang buwan pala akong naglaho ei!

Me assignment pa akong galing kay walang-bote, gagawin koyan next time promise to the max. So ngaun, mangungumusta lang ako. Musta ngaba ang new year nyo? Kasama koba kayo sa mga nahihirapang umebak dahil sa bwisit na Banana Diet nayan? Bwahahha. Si tikey kc uto-uto. Tamad mag exercise at magluto ng mga pampadiet na pagkain, pinatulan ang banana diet every morning. Hayan di tuloy ako maka ebak ng maayos. Hihih.. sori sa mga nakain jan.

Lam nyo bang nakauwi na ako sa pilipinas sa lagay nto? Of cors di ako magpaparamdam sa inyo dahil wala akong dalang cellphone. At wala na talaga akong time mag-gagala. We spend 2 nights and almost 3 days sa Pampanga and that’s it. Yes you read it right. 3 days. Sabi nga nila naki-utot lang kami ni Carl. And yes ulit, kasama ko si Carl.

Pinapaiwan nga sya e pero kaya koba nman un? Of cors hindi diba? Buti nalng na enjoy nman sya ng mga lolo at lola dahil ngiti sya ng ngiti. Bungisngis na bata talga. Hehe.

So ano next time ulit? Hehe! Happy new year everyone and have a good valentines day (pa advance incase di maka update agad. Hihi)

2008

December 27th, 2008

Signing -Off